Bigyang Kahulugan Ang Naging Panaginip Ni Basilio
Bigyang kahulugan ang naging panaginip ni basilio
Noli Me Tangere
Kabanata 17: Si Basilio
Kung aking bibigyan ng kahulugan ang panaginip ni Basilio tungkol kay Crispin sa kabanatang ito, masasabi ko na ang panaginip na iyon ay dulot ng labis na takot sa sakristan mayor. Sa kanyang sarili ay nasaksihan niya ang kalupitan ng sakristan mayor at maging ang ginawa nitong pagpaparusa sa kanilang magkapatid. Ang kanyang balintataw na ang kapatid ay hinampas ng yantok ng kura at sakristan mayor ay maaaring pahiwatig na si Crispin ay pinagtulungan na parusahan ng mga prayle at ang pagkawala ng malay tao ay senyales na siya ay wala ng buhay.
Ganun pa man, ang kanyang panaginip ay unti unting nabigyang linaw sa mga susunod na kabanata. Mangyaring si Sisa na kanyang ina ay nagtungo ng kumbento upang sunduin ang kanyang kapatid ngunit nabigo ito na makita ito. Ang tanging nasagap ni Sisa na balita at wala na ito sa kumbento sapagkat ito raw ay nagtanan matapos na kunin ang dalawang onsa ng kura. Ang pagkawalang iyon ni Crispin ay paliwanag sa masamang panaginip ni Basilio. Kung totoong yumao ito, tiyak na aalisin ng kura ang bangkay nito sa kumbento sapagkat iyon ay magdudulot ng masamang imahe para sa kanila at sa kumbento.
Read more on
Comments
Post a Comment