Mga Mahahalagang Pangyayari Sa Kanabata 3 El Filibusterismo?, Pde Nmn Po Atang Mag Pm, Pm Nlng Po Advance Thankyou ^_^

Mga Mahahalagang Pangyayari Sa Kanabata 3 El Filibusterismo?

pde nmn po atang mag PM, pm nlng po Advance Thankyou ^_^

El Filibusterismo

Kabanata 3: Ang mga Alamat

Mahahalagang Pangyayari:

1. Dinatnan ni Padre Florentino na nagtatawanan na ang nasa kubyerta. Dumadaing ang mga prayle sa pagiging mulat ng mga Pilipino sa mga bayarin sa simbahan.

2. Dumating si Simoun. Nanghinayang ang binata sapagkat hindi niya nakita ang mga dinaanan ng bapor. Ayon sa kanya, kung wala raw alamat ay walang halaga sa kanya ang alinmang pook.

3. Isinalaysay ng kapitan ang alamat ng malapad-na-bato. Ito raw ay banal sa mga katutubo noong una bilang tahanan ng mga espiritu. Nang tirhan daw ng mga tulisan ay nawala ang takot sa espiritu, nasalin sa mga tulisan.

4. Isinalaysay din niya ang alamat na ukol kay Donya Geronima. Si Padre Florentino ang hinilingan na magkwento. May magkasintahan daw sa Espanya. Naging arsobispo sa Maynila ang lalaki. Nagbabalatkayo ang babae. Naparito at hinihiling sa arsobispo na sundin nito ang pangako na sila ay magpapakasal. Iba ang naisip ng arsobispo. Inilagak ang babae sa isang yungib na malapit sa Ilog Pasig.

5. Nagandahan si Ben Zayb sa alamat.

6. Nainggit si Donya Victorina na ibig ding manirahan sa kuweba.

7. Tinanong ni Simoun si Padre Salvi. Sa inyong palagay, hindi ba higit na mainam ay ilagay sa isang beateryo tulad ni Sta. Clara? Hindi raw siya makakahatol sa mga ginawa ng isang arsobispo, ayon kay Padre Salvi. At upang mabago ang paksa ay isinalaysay ang alamat ni San Nicolas na nagligtas sa isang Intsik sa pagkamatay sa mga buwaya na naging bato nang dasalan ng intsik ang santo.

8. Nang datnan nila ang lawa ay nagtanong si Ben Zayb sa Kapitan kung saan sa lawa napatay ang isang Guevarra, Navarra o Ibarra.  Itinuro ng Kapitan. Naghanap si Donya Victorina ng bakas ng pagkamatay ng tubig labintatlong taon matapos nangyari iyon. Nakasama raw ng ama ang bangkay ng anak, ani Padre Sibyla. Iyon daw ang pinakamurang libing, ayon kay Ben Zayb. Nagtawanan ng iba! Si Simoun ay namumutla at walang kibo. Ipinalagay ng Kapitan na si Simoun ay nahilo dahil sa paglalakbay.

Read more on

brainly.ph/question/2126657

brainly.ph/question/2123265

brainly.ph/question/2123044


Comments

Popular posts from this blog

Story Pyramid Of The Last Leaf