Noli Me Tangere Kabanata 60 Aral?
Noli Me Tangere Kabanata 60 aral?
Noli Me Tangere
Kabanata 60: Ikakasal na si Maria Clara
Aral:
Sa kabanatang itinuro ni Rizal na ang tunay na pag ibig kailanman ay hindi maitatatwa. Magpapakasal man kay Linares ay batid ni Maria Clara sa kanyang sarili na tanging si Crisostomo lamang ang kanyang tunay na mahal. Katunayan, nagtapat si Maria clara kay Ibarra na kaya niya tinanggap ang alok ni Linares ay upang pagbigyan ang kagustuhan ng kanyang dalawang ama: kapitan Tiyago at Padre Damaso. Sa kabila nito, nais niyang maging tapat kay Ibarra at hangad niya ang makabubuti para dito. Alam niyang mas magiging ligtas ang binata kung ito ay kanyang lalayuan.
Matututunan din sa kabanatang ito na ang pagkasilaw sa kapangyarihan ay nagiging dahilan upang isakripisyo ng isang tao ang tunay na kaligayahan at makipag kasundo na lamang sa kung sino ang mas makapag bibigay sa kanya ng maayos na buhay. Ganito ang nangyari kay Maria Clara sa kabila ng pagmamahal niya para kay Ibarra, nagawa niya itong iwanan at talikuran sapagkat ang kanyang amang si kapitan Tiyago ay naghahangad ng mas malawak na kapangyarihan. Alam ni kapitan Tiyago na malaki ang maitutulong ng mga de Espadana upang siya ay higit na makilala at makapag labas masok sa palasyo.
Read more on
Comments
Post a Comment