Saan Ang Tagpuan Ng Kabanata 36 Sa Noli Me Tangere?
Saan ang tagpuan ng kabanata 36 sa noli me tangere?
Noli Me Tangere
Kabanata 36: Ang Unang Suliranin
Tagpuan:
Ang kabanatang ito ay naganap sa tahanan nina kapitan Tiyago na noon ay namamayani ang kalungkutan dulot ng nangyari sa pagitan ni Ibarra at ng dating kura na si Padre Damaso. Si Maria Clara ay panay ang pagtangis matapos na siya ay pagbawalan ng kanyang ama na makipagkita at makipag usap kay Crisostomo Ibarra. Maging si Padre Sibyla ay tumututol sa pagdalaw ni Ibarra sa tahanan ng mga delos Santos. Dahil dito, labis ang pagtangis ng dalaga na maging ang kanyang tiya Isabel at kaibigang si Andeng ay hindi siya maalo. Hinimok pa ang dalaga na magpalit na lamang ng katipan sapagkat ang kanilang ugnayan ni Ibarra ay hindi na maaari.
Upang matigil ang dalaga sa pagtangis, iminungkahi ni tiya Isabel na magpadala ng liham sa arsobispo upang idulog ang pagiging ekskomunikado ni Ibarra subalit tumugon ang kapitan na ang liham ay mawawalan lamang ng silbi sapagkat ito ay isa ring prayle. Dumating ang kapitan heneral at minabuti na pakalmahin ang lahat ng mga nasa tahanan ni kapitan Tiyago higit sa lahat si Maria Clara. Batid niya na ang pakikipag usap na iyon sa dalaga ay maaaring magdulot ng kaginhawaan sa dalaga.
Read more on
Comments
Post a Comment